Sunday, July 31, 2016

Aigoo

Nakita kita.

Yes. Nakita kita, pero ayaw naman kitang lapitan. Saklap. Gustong gusto kitang makita talaga pero bakit ganun??

Dun sa pinapanood kong Korean, ung babae na ung umamin dun sa lalaki na gusto nya sya. Magagawa ko rin kaya un? Pede naman siguro, ndi ko lang kaya. Dahil, hindi naman kami parehp n sitwasyon nung nasa drama, pareho sila ng nararamdaman dun e. Tayo hindi naman.

Sabi rin dun sa pinanood kong yun, wag daw mag-alala ung lalaki dahil feelings naman ng babae un, hindi naman daw ipipilit sa kanya. Ang sakit.


Sana, pde rin maging sweet na Korean seriea ung lovelife ko. :)

Aigoo!!

Thursday, November 19, 2015

i LIKED but i dont like.

ni-like ko ung pinost mo tungkol sa mahal mo, hindi ko alam bakit ko ginawa un. ang sakit nun sakin. pero may part sakin na gustong ipadama sayo na wala ka lang naman sakin. at hindi ako affected.

pero ang totoo, super apektado ako. super bigat un sa loob ko.

anong napala ko? eto, emo..

nalulungkot ako.
nasasaktan ako.
bitter pa rin ako.
for sure


kelan ba ako makakamove on sayo?
kelan ko ba matatanggap na wala naman tayong nakaraan.
kelan ba ako makakausad sa nararamdaman ko sayo.

_ _, bakit ba ganun? wala ka ng pakialam sakin, ako meron pa rin.

sana ung nararamdaman ko, parang gutom lang, pag kumain ako, mawawala na ang gutom.

omyyy.. ang chaket chaket..

Wednesday, May 13, 2015

magmahal lang..

Bakit ung mga taong close sayo dati biglang hindi nalang?
Bakit ung mga taong sweet sayo dati biglang hindi nalang?
Bakit nagbabago ang mga relasyon na akala mo wala ng katapusan?

Nakakalungkot pag ang panahong yun ay nararanasan mo.
Na kung saan wala namang dahilan kang makita para magbago un ng ganun nalang.

Ang gusto ko lang naman ay ibahagi ang buhay ko sa mga taong mahal ko.
At sa kanila na ang alam ko mahal din ako..

Anyways, basta magbahagi ka lang ng love. Love is too precious.
Sabi nga, hindi daw pdeng walang bumalik sayo..

Wednesday, April 8, 2015

Pinaasa o Umasa?

"Pinaasa nya ako!"

Valid ba talaga yang statement na yan? oh paninisi lang?

Pinaasa? sinabi nya bang umasa ka? oh malisyosa ka lang for that matter?
May sinabi ba sya para sabihin mo yan? may pinangako ba sya na para sabihan mo sya ng ganyan?
masasabi mo ba sa kanya yan ng harapan at mapapanindigan mo? oh babalik sayo yang statement mo dahil ang totoo,

"ikaw lang naman ang umasa. assuming ka kasi."

peste... nakakainis talaga.. kung alam nya lang kung ilang brains cells ang gumagana tuwing naiisip ko sya, naiisip ko ung mga sinabi nyang gagawin nya, naisip ko yun mga sinabi nya dati, ung mga plano nya DAW gawin, na hanggang ngayon hindi naman ginagawa. mygaaaaass..

malalaman nya lang, ilang apps ang binura ko para lang mainstall ung sinabi nyang gagawin namin. sayang yung level ko sa candy crash.

pero pede na rin, nakakaubos oras din un kakaisip lalo na pag wala kang gingawa. pero hindi un e..

bakit ba may mga lalaking ganun?! oh dapat ba may mga babaing assuming? ganun ba?!!

sa ngayon naiinis talaga ako. bagay na ndi naman sobrang lalim, pero kasi, hindi ko mairelease dahil nga walang basehan, ang hirap ijustify..

so aun..

ako ba ay pinaasa o umasa?!




Sunday, January 18, 2015

My Heart

Hindi ko macontain ung nararamdaman ko ngayon.
Bakit parang ang lungkot lungkot ko?
andami kong naiisip. andami kong naalala.


Una, Superman, bakit ka ganyan? I miss you i miss you ka jan. tapos ganyan? ano yan? malinaw na paasa?! ikaw naman sheena, asa?! bulag ka ba, kasama nga kanina ung girlfriend e, tapos maniniwala na, o papaniwalain mo sarili mong may something sya sayo?! sinong maniniwala sayo? ikaw lang. pinaniniwala mo sarili mo na type ka nya..

Lord, nalulungkot talaga ako.. alam ko i should've not looking for any love other than Yours. kasi sabi mo nga Your love is enough. Lord why am i feeling this way? Im lifiting you up my heart Lord. Guard my heart..

In Jesus name, amen..

Wednesday, February 5, 2014

So In Love.

Gustong gusto kita. as in. diko kasi masabi. diko mailabas. kaya dito, hayaan mong sabihin ko. oo gusto kita. 

Tuwing tinitignan kita, naiisip kong tayong dalawa. tuwing naalala kita, ngiti ko abot tenga. tuwing nagtetext ka, di mapakali daliri kong replayan ka. oo na. kilig ako pag ikaw ang iniisip ko.

pero tuwing naiisip din kita, naalala ko sya, ung girlfriend mo. sa totoo lang naasar na ako sa kanya. di ba pedeng wala na sya?! para tayo nalang dalawa. 

pero wag kang mag-alala, ipinapanalangin kita. na balang araw, pag-ibig mo, akin na talaga.  haay pag dumating ang araw na un, un na talaga.speechless na ko, maisip ko palang.

i loveyou my superman. ;)

Wednesday, September 25, 2013

Happy birthday Kriiiissss...

Isa to sa pinakasexy at magandang nakilala ko. Naks naman.

And tuwing magbi-birthday ata to ay may bagyo. Sya naman kasi ay bagyo rin. Bagyo ng kagandahan, kagalingang umawit, at kasexyhan, yuuun naman. Apir!

Sya na sa lahat ng mga jokes ko, imbes na tumawa, gustong gustong mambara, hindi daw nakakatawa, pero ok lang naman sakin, dahil I know deep inside natatawa sya, baka nga jinojoke nya pa sa iba, hahahaha.. joke lang.. alam ko kahit binabara mo ako, natutuwa ka. Ahihi

Eto para sakin, pag nauna mong nakita, for sure masusungitan ka, dahil sa mata nyang chinita, pero ang totoo naman, naku, magiging basang sisiw ka pag nakilala mo, hahaha. Mabait yan. saka hindi ka mahihiya pag nagsimula ng magsalita kasi, madaming sasabihin yan, makulit at mapang-asar nga. Yun ay kung magsimula syang magsalita ah?! Antayin mo nalang. Hahaha

Sa pag-awit mo wala na kong masasabi, idol nga kita diba? kasi ang galing galing mo. At hinahangaan kita, ayeee maiyak ka a..


At ngayon, birthday mo, hindi man tayo magkasama (this calls for a bonding ahahha joke) alam ko Masaya ka. At dalangin ko nawa na mas maging masaya ka pa. sa anumang ginagawa mo. Maging matagumpay ka sana. Mag-iingat ka lagi. Gaya ng dati, andito ako lagi para sayo. Godbless you.. happy birthday Alabyow..