Wednesday, April 8, 2015

Pinaasa o Umasa?

"Pinaasa nya ako!"

Valid ba talaga yang statement na yan? oh paninisi lang?

Pinaasa? sinabi nya bang umasa ka? oh malisyosa ka lang for that matter?
May sinabi ba sya para sabihin mo yan? may pinangako ba sya na para sabihan mo sya ng ganyan?
masasabi mo ba sa kanya yan ng harapan at mapapanindigan mo? oh babalik sayo yang statement mo dahil ang totoo,

"ikaw lang naman ang umasa. assuming ka kasi."

peste... nakakainis talaga.. kung alam nya lang kung ilang brains cells ang gumagana tuwing naiisip ko sya, naiisip ko ung mga sinabi nyang gagawin nya, naisip ko yun mga sinabi nya dati, ung mga plano nya DAW gawin, na hanggang ngayon hindi naman ginagawa. mygaaaaass..

malalaman nya lang, ilang apps ang binura ko para lang mainstall ung sinabi nyang gagawin namin. sayang yung level ko sa candy crash.

pero pede na rin, nakakaubos oras din un kakaisip lalo na pag wala kang gingawa. pero hindi un e..

bakit ba may mga lalaking ganun?! oh dapat ba may mga babaing assuming? ganun ba?!!

sa ngayon naiinis talaga ako. bagay na ndi naman sobrang lalim, pero kasi, hindi ko mairelease dahil nga walang basehan, ang hirap ijustify..

so aun..

ako ba ay pinaasa o umasa?!




No comments:

Post a Comment