Kung sanay na tayo sa dilim, lumiliwanag na ito sa paningin natin.
Huling mga araw ng nakaraang buwan, July, umuwi kami ng buo kong pamilya sa province para icelebrate and bday ng lolo ko.Nung nandun na kami, maliligo sana ako, ng malaman kong walang ilaw sa bathroom. Pero sabi ng tita ko, maliwanag rin naman daw.
Habang nandun ako, dilim ang nasa isip ko dahil madilim ang paligid ko; wala kasing ilaw, bukod lang sa liwanag na nanggagaling sa hindi pa tapos na kisame ng bahay.
Habang tumatagal, napapansin kong lumiliwanag na ang paligid. At bigla kong naisip, kung mananatili tayo sa dilim, tendency ay masasanay tayo dito, at mapapansin nalang natin na, mukang maliwanag na.
This gave me the same realizations in life,
"kung mananatili tayo sa kadiliman o sa mga ginagawa natin kasalanan, sa sobrang pagkasanay natin, minsan akala natin ok na to. Nadedeceived tayo."
Akala natin, maliwanag na habang nasa dilim tayo, pero ang totoo nasanay nalang tayo sa pagtingin sa dilim, na unti unting nagliliwanag HINDI dahil sa anumang ilaw kundi dahil matagal na tayo dun.
Hindi tayo maliliwanagan unless:
1. buksan natin ang ilaw, or
2. maglagay ng ilaw or
3. umalis sa dilim un.
Sino ba ang tinutukoy na liwanag/ilaw sa buhay natin?
John 8::12When Jesus spoke again to the people, He said, "I am the light of the world. Whoever follows me will never walk in darkness, but will have the light of life."
hindi ko lahat to naisip habang naliligo ako, pero diba totoo naman?!

No comments:
Post a Comment